___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Monday, December 19, 2011

Kabataan On Blog

Ang inyong susunod na mababasa ay patungkol sa mga kabataang bloggerong tulad ko. Mga bloggerong mula sa TUMBLR(PILIPINAS) na may angking taleno pagdating sa pagbuo isang makulay, makabuluhan at kapupulutan na Tambayan. Halina't atin silang kilalanin. 



SINO SI KALOY?

Isang bagay na nagpapakilala kay Kaloy ay isa siya sa maituturing na bagong Rizal. Isang binata na puno ng angking talento sa pangangatawan, na saksi ang bawat parangal na nakuha sa bawat kompetisyong sinasalihan. Tulad ng mga normal na kabataan, isang kagalakan sa kanya ang makita at maalala ang bawat pagpapakilanlan na naihandog sa kanya. Si Kaloy—binatang puno ng talento, bagong Rizal ng Kabataan on Blog.

SI KALOY BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

Isang matalinghagang bloggero at saksi ang bawat sumusubaybay sa kanya kung gaano siya ka husay bumuo ng isang obra maestra. Ilan sa kaniyang mga tula na pumukaw mismo sa aking atensyon ay ang mga sumusunod: Busted, Love is Blind,  Adobe Soap (Siya lang ata ang nakaisip nito) , Walang  bawal na pag-ibig at marami pang iba. Bukod sa mga matatalinghagang mga tula nariyan at bukas ang tambayan nitong si Kaloy upang sumagot ng mga katanungan mula mismo sa mga taong patuloy na sumusubaybay, mahirap para sa isang bloggero ang magkaroon ng isang buo at mahusay na komunikasyon sa kanyang mga tagasubaybay, ganyan kabibo  itong si Kaloy pagdating sa kanyang mga tagasunod. 

MULA MISMO SA ISIP NI KALOY





TAMBAYAN NI KALOY



SINO SI KARLA?

Si Karla isang bloggerong nagmula pa sa Taguig, Pilipinas na mula sa kanya miyembro ng isang malaking pamilya at sa kasalukuyan ay umiibig sa isang binatang nagngangalang PJ. Si PJ na napakaswerteng magkaroon ng isang tulad ni Karla, sapagkat hindi lahat ng babae e’ tulad nitong si Karla. Dahil kay Lhie kanya ring pangalan nadagdagan ang respeto ko sa mga babae ng mapadpad ako sa kanyang tambayan. Isang tambayan na puno ng pagmamahal ang bawat mga inilalathala, kakaiba para sa mga babaeng kasing edad niya. Si Karla/ Lhie ang mutya ng Kabataan on blog.

SI KARLA BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

    Hindi lingid sa kaalaman ng bawat kanyang tagasubaybay kung gaano niya alagaan ang isang magandang relasyong kanyang pinasukan, alam ng bawat isa sa atin na hindi madali ang magbukas ng kanikaniyang pinto ukol sa personal nating buhay. Ganyan ko hinahangaan si Karla! Kinakitaan ko siya ng galing sa pagsusulat at pagbuo ng mga ideyang mula mismo sa kanyang malikot na isip. Isang taga pagtanggol ng mga kababaihan at taga turo sa aming mga kalalakihan. 
MULA MISMO SA ISIP NI KARLA




TAMBAYAN NI KARLA


SINO SI GELO?

Si Gelo isang labing anim na taong gulang na may malaking respeto sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya kahit ano o sino man siya. Lumaki dito sa Pinas kaya ganoon nalamang niya maipagmalaki ang bansang Pilipinas. Isang tunay na makabayan.

SI GELO BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

Sa murang edad makikitaan na ng galing si Gelo pagdating sa mga blog post niya. Hindi lang siya basta basta sapagkat sa bawat kanyang ilathala mapapansin mo ang angking niyang katalinuhan pagdating sa pagsusulat at pagdiskubre sa mga bagay bagay. Mula sa pang-araw araw niyang nararanasan tunay ngang kamanghamangha ang ikuwento ang mga ito ng may halong  aral. Mula sa kanya, ako rin mismo ay napakaraming natututunan, mga aral na sakanya ko lamang nalaman.  KWENTOKO- saksi ang tag na iyan sa bawat kwentong nais maibahagi nitong si Gelo, at swerte akong isa ako sa mga taong nakakabasa ng kanyang bawat kwento. 

Di tulad ng ka edad nitong si Gelo, tunay siyang maginoo. Bukas siya sa mga post na nagpapakita kung ano nga baa ng tunay na nararanasan ng binatang tulad niya ngunit sa kabila nito mapapansin parin ang respeto niya lalong lalo na sa mga kababaihan.

Wala kang makikitang patapon pagdating sa pader nitong si Gelo. Lahat may laman, lahat kapupulutan.
MULA MISMO SA ISIP NI GELO







TAMBAYAN NI GELO



SINO SI GINO?
Si gino kakaibang maituturing sa mga ka-edad niya kung titignan ang buhay niya bilang isang nurse at bilang isang dalampung taong gulang na binata. Hindi mahirap para sa kanya ang ikuwento ang pang-araw araw niyang nararanasan bilang isang nurse.  Sa kanya magbabago ang tingin mo sa mga tulad niyang nagpapakahirap para lamang pagsilbihan ang bawat pasyente sa ospital. Hindi kataka taka ang galing niya sa pagsusulat, sa kabila ng pagiging busy niya sa bawat duty, nakakapaglaan pa siya ng oras para makapagsulat—mamahagi ng hiwaga at ganda ng realidad.

SI GINO BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

Maituturing si Gino na isa sa mga katangitanging manunulat na nakilala ko. Lahat ng kanyang isinusulat makarealidad na kung susumain e’ talagang nangyayari sa totoong buhay. Siya mismo ang bida sa bawat akdang ibinabahagi. Mula sa kanya mamumulat ka sa buhay ng isang Nurse na dahil din sa kanya  isa sa mga bagong bayani na dapat nating purihin ay ang mga tulad niyang Nurse. Mga Nurse na piniling dito sa lupang tinubuan magbigay serbisyo.

Mula sa mga simpleng text post hanggang sa mga makabuluhang post tunay na kapupulutan ng aral ang tambayan nitong si Gino.

Gino  Nurse on Blog! Saludo ako sayo!
MULA MISMO SA ISIP NI GINO






TAMBAYAN NI GINO


SINO SI JASPER?
Si Jasper isang dalampung taong gulang na sa kasalukuyan ay naghahanap ng isang lugar kung saan niya magagamit ang angkin niyang diskarte at katalinuhan. Tulad ng bawat isa sa atin, isa si Jasper sa mga taong naglalakbay ngunit di alam kung saan nga ba ang patutunguhan. Kaya saksi ang tambayan niya sa kanyang mala superherong paglalakbay. Isa sa tunay na kahangahanga pagdating kay Jasper ay ang pagmamahal niya sa kanyang Lola na di kayang tumbasan nino man. 




SI JASPER BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

Hindi ka mababagot pagdating sa pagbabasa ng mga obra maestra nitong si Jasper. Simpleng mga bagay mula sa kanya na kapupulutan ng aral. Tunay ngang kabilibbilib ang gamitin ang mga pangkaraniwang bagay sa paligid upang makabuo ng isang pyesang nauukol na basahin ng lahat. Bilang isang bloggero, marami ng napatawa, napanganga at higit salahat napa iyak ni Jasper pagdating sa bawat entry niya. At isa sa mga di ko makakalimutan na post niya ay noong ipakilala niya ang lola niya bilang parte ng buhay niya, dito ko napatunayan ang labis na pagmamamahal  niya sa kanyang Lola.
MULA MISMO SA ISIP NI JASPER



TAMBAYAN NI JASPER


SINO SI RAYNIEL

Si rayniel sa murang edad nakagawa na ng pangalan sa tumblr world bilang si Mister Kiddo. Sa kabila ng kanyang angking kasikatan sa blog world handa parin siyang magkaroon ng magandang komunikasyon sa kanyang mga taga sunod- Tunay na kabilibbilib. Maraming gustong mapatunayan si Rayniel at isa na dito ang makapamuhay ng magisa at tumayo sa kanyang sariling mga paa. Para sa akin mula sa pakikitambay sa kanyang tambayan Kaya naman niya.


SI RAYNIEL BILANG ISANG BLOGGERONG PINOY

Ang kakaiba pagdating kay rayniel bilang isang bloggero ay bukas ang kanyang tambayan sa kung sino man ang may gustong humingi ng kahit anong payo pgadating sa buhay, pagibig o kahit ano pa man yan. Mula sa kanyang payo maraming tulad niyang bloggero ang nabibigyan ng kasagutan sa kanikanilang mga katanungan. Mistulang isang Dr. Love kung tutuusin, sa murang edad di mo lubos maiisip na kaya na niyang sabihin ang mga katagang sa kanya ko lamang narining.
Dr Love on Blog!
MULA MISMO SA ISIP NI RAYNIEL




TAMBAYAN NI RAYNIEL





        




10 comments:

  1. Isang karangalan para sa akin 'to. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako. Nawa'y marami pang kagaya mo na tumatangkilik sa gawa ng isang Pinoy. Kuhang kuha mo Pinoy! Salamat ng marami kaibigan! Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob.Kudos Kumonoy! :)-kaloysotero.tumblr.com

    ReplyDelete
  2. @kaloy maraming salamat sa pagpapahiram ng blog mo. Walang anuman, kung sino man ang dapat magpasalamat ako iyon! Makakaasa ka na patuloy ko paring tatangkilikin ang gawang pinoy!

    ReplyDelete
  3. Wow, naks naman. Epic! Nagpapasalamat ako at may taga-subaybay akong tulad mo, pareng Inong! Isa ito sa mga pinakamagandang regalong natanggap ko. Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
  4. @Jasper- wala yun, salamat sa pagpapahiram ng blog. ang dami kong natutunan habang ginagawa ko yan. Merry Christmas in advance. :)

    ReplyDelete
  5. nike shoes, Cheap Jordans,Cheap Jordan Shoes,Cheap Air Max,Cheap Free Run Shoes,nike shoes,nike outlet,nike factory,nike store,nike factory outlet,nike outlet store,cheap nike shoes,nike sneakers, toms outlet, toms outlet,tom shoes,toms shoes outlet,tom shoes,toms wedges,cheap toms,toms.com, air jordan, air jordan,jordan shoes,cheap jordans,air jordans,jordan retro,air jordan shoes,jordans,jordan 11,jordan xx9,jordan 6,new jordans,retro jordans,jordan retro 11,jordan 5,air jordan 11,jordans for sale,jordan 4,jordan 1,jordan future,jordan 3,jordan 12,michael jordan shoes,air jordan retro, cheap jordans, cheap jordans,cheap jordan shoes,cheap jordan,cheap jordans for sale,jordans for cheap,jordan shoes,jordans,air jordan,jordan retro,jordan 11,jordan xx9,jordan 6,new jordans,air jordans,retro jordans,jordan retro 11,jordan 5,air jordan 11,jordans for sale,jordan 4,jordan 1,jordan future,jordan 3,jordan 12,michael jordan shoes,air jordan shoes,air jordan retro, jordan retro, jordan retro,jordan shoes,air jordan,air jordans,retro jordans,air jordan retro,jordans,jordan 11,jordan xx9,jordan 6,new jordans,cheap jordans,jordan retro 11,jordan 5,air jordan 11,jordans for sale,jordan 4,jordan 1,jordan future,jordan 3,jordan 12,michael jordan shoes,air jordan shoes, air max 90, air max 90,nike air max 90,air max 95,air max 2014,air max 2013,air max 1,nike air max,air max,nike air max 2014,airmax,nike air max 2013, air max 95, air max 95,nike air max 95,air max 90,nike air max 90,air max 2013,nike air max,air max,air max 2014,nike air max 2014,airmax,nike air max 2013, nike free 5.0, nike free 5.0, nike free trainer 5.0,nike free run 5.0,free running 2,nike free run,nike free,free running,nike running shoes,nike free trainer,free runs,free run 5.0, omega watches, omega watches,omega watch,replica watches,rolex watches,replica omega watches,rolex,watches for men,watches for women,rolex watches for sale,rolex replica,rolex watch,cartier watches,rolex submariner,fake rolex,rolex replica watches,replica rolex, ralph lauren outlet, ralph lauren outlet,ralph lauren outlet online,polo ralph lauren outlet,polo ralph lauren outlet online,polo ralph lauren,ralph lauren,polo ralph,polo shirts,ralphlauren.com,polo outlet,ralph lauren polo, oakley sunglass, swarovski crystal

    ReplyDelete
  6. oakley sunglasses,cheap oakley,cheap oakley sunglasses,oakley sunglasses cheap,oakley outlet,oakley sunglasses outlet,oakley vault,oakleys,oakley.com,sunglasses outlet,cheap sunglasses,oakley prescription glasses,fake oakleys,oakley glasses,oakley store,fake oakley,oakley sale,cheap oakleys,discount oakley sunglasses, ray ban sunglasses, Ray Ban Sunglasses,Ray Ban Outlet,Ray Ban Sale,Cheap Ray Bans,Cheap Ray Ban Sunglasses,ray ban sunglasses outlet,ray ban,rayban,ray bans,ray-ban,raybans,ray ban wayfarer,ray-ban sunglasses,raybans.com,rayban sunglasses,cheap ray ban, burberry, burberry,burberry outlet,burberry outlet online,burberry factory outlet,burberry sale,burberry handbags, chanel bags, chanel bags,chanel handbags,chanel sunglasses,chanel outlet,chanel purses,chanel handbags official site, coach outlet store, coach outlet,coach outlet store,coach outlet store online,coach outlet stores,coach factory outlet,coach factory,coach factory online,coach factory outlet online,coach outlet online, chaussures louboutin, louboutin,louboutin pas cher,christian louboutin,louboutin chaussures,louboutin soldes,chaussure louboutin,chaussures louboutin,chaussure louboutin pas cher,louboutin france, sac michael kors, michael kors,sac michael kors,michael kors sac,michael kors pas cher,sac michael kors pas cher,michael kors france, north face outlet, north face outlet,the north face,north face,the north face outlet,north face jackets,north face jackets clearance,northface, yoga pants, yoga pants,lululemon,lululemon outlet,lululemon athletica,lululemon addict,lulu lemon,lulu.com,lululemon.com, beats by dre, beats by dre,beats headphones,beats audio,beats by dr dre,beats by dre headphones,dr dre,dre beats,beats by dr,dr dre beats,dre headphones,beats by dr. dre,cheap beats, ferragamo, ferragamo,salvatore ferragamo,ferragamo shoes,ferragamo outlet,salvatore ferragamo outlet,ferragamo belts,ferragamo belt,ferragamo outlet, nike blazer, nike blazer,blazer nike,nike blazer pas cher,Chaussures Nike Blazer,Nike Blazer Femme, nike air force, swarovski

    ReplyDelete