Dakong wala na ang mga kulisap at unti unti nang
dumadampi sa buong kulay bredeng anyo ang sikat ng araw. Ika sampu ng Mayo taong ika isang libo walongraan
siyam na ‘put pito, sa perehong bundok Maragondon, Cavite kasama ang buong kapisanan
ng mga damo sa damuhan nang nasabing bundok, panibagong araw panibagong
larawan ang guguhit sa kasaysayan.
Walong paa ang nagsalinsalin patungo sa kinalulunggaan ng
Indyong nagpakapawis para sa kasarinsalan. Hawak ang mga kalibre na pawang
naiwan katapos ng digmaan. Sigaw sigaw ang ngalang “Bon y Facio!”, dito ko
nakita ang nangangambang mukha nang nagtatagong walang kasalanan. Dagling
huminto ang grupo ng mga kalalakihan upang lamnan ng baong galunggong ang
sikmurang kanina pa nangangalam, bakas ang batak na katawan sa layo at pagod
nang nilakbay. Natapos ang mistulang piging at nagpatuloy ang paguntog ng mga
kanikaniyang paa suot ang mga botang sing tigas ng sementong bumalot sa mga
lupang ginawang establisimento.
Dinig na dinig ko ang papalapit na grupo ng mga tao,
mistulang mga maligno sa patuloy ang pangangambala sa katiriktirikan ng
haring araw sa lugar na binabalutan ng katahimikan. Ilang sandali pa ito na ang
aking kinakatakutan, natunton nila ang kubol na naging lungga ng tinuturing
nilang kalaban.
“Bon y Facio! Lumabas ka sa tinataguan mo, alam namin na
nariyan ka!” sigaw ng dalawa na bakas ang pananabik na makita ang ilang araw
nang hinahanap.
Ang kaninang puno ng pangambang mukha ay lumabas na balot na
ng lakas. Mistulang isang tahimik na libro sa silid aklatan na nagpakita
ng tunay na bangis sa harap ng madla.
“Sino kayo? sinong nagpadala sa inyo? Ano ang gusto ninyo?”
ang pagsagot ni Bon y Facio
“Mula kami sa kagawaran ng Nasyonal na Kaligtasan. At
ang iyong kamatayan ang sinasabing susi sa katamikan.” Pagpapaliwag ng isang
humakbang habang pinuposisyon ang pinaniniwalaang tatapos sa kausap.
“Mga utusan ni kumpareng Aguin Aldo!, ang tinuturing na
kalaban sa pwesto ko!” pabalik na sigaw ni Bon y Facio
Tama ang aking hinuha nandito sila upang tapusin ang
buhay ng walang kalabanlaban na nilalang. Dito ko nakita ang digmaang Pilipino
kontra Pilipino. Simula na ang gulo sa pulitikang Pilipino. Nanlaban si Bon y
Facio gamit ang itak at bolo na kaniyang
iniwang simbolo. Sinagot naman ito ng ilang tunog manunupil na putok ng baril,
isa hanggang sampu ang bumaon sa katawan ng isang purong Pilipino. Mistulang
isang akdang pang- panitikan na puno ng dahas ang nasaksihan.
Matagal pang iniwang nakatayo si Bon y Facio, sumasalamin sa
tatag nito. Napalakad ng ilang hakbang hanggang mapaluhod sa harapan ko, higit
limang Segundo bumagsak na ito. Dumausdos ang dugo hanggang maging kulay ko,
basa na ako at ang mga kasama ng pawis na tumutulo sa mainit pang katawan ni
Bon y Facio. Mulat pa ang mga mata at dinig na dinig ako ang mga katagang
“Paalam bayan ko, Paalam Pilipinas,” ilang sandali pa napapikit na ito, wala na
rin ang pintig na kanina lang ay naririnig ko. Ang dating lugar na ginagawang
paliparan ng mga makukulay na saranggola ng mga bata ay ngayon naging huling himlayan
ng isa sa sa mga kinikilalang bayani ng bayan.
Nga pala ako ito isang mapanuring damo sa damuhan ng
bundok Maragundon, Cavite ang tanging saksi sa kamatayan ni Bon y Facio.
Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan
10% ng manager...don't forget!
ReplyDeletehaha wala pa man may hatian na haha
Deleteganon talaga, baka magkalimutan mahirap na hahaha
Deletehaha pwede ba yun Manager haha
DeleteAyan na. Good luck, itaas mo ang bandila ng mga David. Hehe.
ReplyDelete@Mar, anu yan ah? hahaha.
Salamat Ate Sey
DeleteGrabe, Filipino...Inong...Filip-Inong Filipino! Good luck sa entry mo Inong... :)
ReplyDeleteSalamat TPW
Deleteisa ata to sa pinakanagustuhan ko. pinoy na pinoy. para akong nagbasa ng history book hehe =D
ReplyDeletesalamat Ate jaid.
Deletenice one...
ReplyDeleteSalamat po
Deletegoodluck saten :))
ReplyDeletegoodluck salamat.
DeleteSalamat sa pagsali :)
ReplyDeleteWalang anuman, salamat sa pagkakataon
Deleteang ganda nito bunso..... goodluck sa entry mo!!
ReplyDeletesalamat kuya Axl
Deletemgaling ang iyong akda.
ReplyDeletegudlak po sa iyo :)
magandang araw sir :_)
salamat po
Deletenaku siguradong mahihirapan ang mga hurado lalo, good luck!!
ReplyDeletesalamat
DeleteMahusay.
ReplyDeletesalamat sa pagbibigay buhay sa katauhan ni Bon y facio! =)
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Mangilan-ngilan lang ang nakakaalam at nakakaunawa sa mga naganap sa bundok ng Maragundon. Kapwa Pilipino laban sa kapwa Pilipino, mga bayani sa panitikan ngunit sino ang tunay na nakakaalam ng buong katotohanan. Isyung pulitikal, isyung makabayan. Pinuno ng Katipunan, Ama ng Himagsikan laban sa Heneral ng Militar, unang Pangulo ng Inang Bayan. Mahabang usapan, malalim na pagsasaliksik ang kailangan. Ang iyong akda marahil ay isang daan upang maunawaan ng karamihan ang hindi mailathalang kasaysayan sa kabundukan.
ReplyDelete