Rowena,
Kumusta ka na? Kumusta na ang mga bata? Si Aiko nakapag summer
class ba? Ang kambal na sina Gina at Gino kumusta graduation nila? Alam kong
galit at nagtatampo sila sa akin kasi naman hindi ko nakuhang makatawag man
lang sa bahay nung graduation nila at pati ikaw siguro nagtataka na rin kung
bakit hanggang ngayon hindi pa ako nakakatawag, ang hirap kasi e nagbago na ang
lahat ngayon dito kaya susulitin ko na rin itong papuslit na ipapadala kong
sulat kay Pareng Josh. Baka huling sulat ko na rin ito kaya kung sakaling
matanggap mo ito huwag ka nang mag-abala pang sagutin ito. Medyo magtipid muna
kayo ha, mahirap para sa akin na makita kayong nagtitipid kasi simula’t sapul
ginusto ko na magkaroon kayo ng magandang buhay at ayaw kong maranasan ng mga
bata ang hirap na dinanas ko noong bata pa ako makakain lang sa isang buong
maghapon. ‘Yung ipapadala ko sanang package na naglalaman ng mga pabilin ninyo
at ng ilang mga kamaganak napilitan akong ibinta pwera na lang yung sapatos para
kay Gino at isang slr camera kay Gina regalo ko yun para sa graduation nila at
dahil sa pagpapabenta ko ng laman ng package na dapat ipapadala ko sa katapusan
idinagdag ko na lang sa perang ipapaloob ko sa regalo ng kambal. Gamitin ninyo
yung pera para sa pag-aaral ni Aiko, dalawang sem na lang naman diba kaya sapat
na ‘yun at pagkagraduate niya inihabilin ko na si Aiko kay Ate Fey para kunin
siya papuntang Amerika, para na rin
makatulong siya sa mga gastusin sa bahay at para sa pag-papaaral ng kambal.
Kung kaya mo rin pala na paikutin ang isang maliit na puhunan manghiram ka muna
kay Ate Beth sabihin mo pang negosyo mo bayaran mo na lang pagnabawi mo na ang
puhunan. Magtayo ka ng isang maliit na sari-sari store diyan sa may terrace
para habang di ko pa kayang kumita may mapagkukuhanan ka sa pang araw-araw na
gastusin. At ang kambal pala kausapin mo na baka sa public na sila mag high
school kasi baka hindi natin kayanin lalo na at mag thethesis at magoojt na si
Aiko sa pasukan, magastus iyon kaya sana maintindihan ng kambal. Babalik din
naman sila sa private school pag nakapagtrabaho na Ate nila. Tsaka nga pala may
mga appliances na di naman talaga
nagagamit diyan sa bahay naalikabukan lang kaya pwede mo rin iyong ibenta, kung
may emergency naman huwag kang mahiyang lumapit kina Nanay alam kong medyo may
tampuhan kayo ngayon dahil lang sa maliit na rason pero para sa akin sana
maayos na yan lalo na kailangang kailangan ngayon. Bago
ko nga pala makalimutan ipapasama ko na rin yung mga gamit ko na hindi na pinadala
sa akin dito kasi di ko na rin magagamit, yung mga pantalon itago mo muna baka
magamit ni Gino paglaki niya para man lang may maipamana akong gamit sa kanya
tsaka yung mga pantaas na maayos pa ibigay mo na kina Kuya Jem sabihin mo na
lang na hindi ko pa sila gaanong nagagamit kaya halos bago pa yang mga yan. May
mga pagkain din pala akong ipapasama mga di na nagamit mula ng last na
nag-grocery ako.
Rowena, Mahal…..sa huling dinig ko sa mga nagbabantay sa
akin baka daw abutin na ako ng kamatayan dito sa Dubai kasi mabigat ang kaso ko
Drug trafficking na napilitan kong gawin para na rin mabigyan kayo ng magandang
buhay. Alam kong mali pero natukso ako at kumapit na rin sa napakatalim na
patalim. Umamin na rin ako para na rin hindi mauwi sa pag-bitay kasi sabi ni Kumpareng Josh na
umaalalay sa akin ngayon mas mapapababa daw ang sintensya kung kusang umamin
ako sa kasalanan na ginawa ko. Ipagdasal niyo ako mahal, at tulungan mo akong
humingi ng tawad sa maykapal. Mahal na Mahal kita at ang mga bata, Mahal ikaw
na bahalang magpaliwanag sa mga bata. Nasa mga bata na kung ikakahiya nila
ako’t kahiyahiya naman talaga pinaggagawa ko dito pero gusto ko lang malamanan
nila kung gaano ako kapasalamat na nagkaroon ako ng mga responsableng anak
tulad nila. I love you Rowena, alam kong mabigat na ipaasa ko sa iyo lahat ng
mga responsibilidad ko kaya kung gusto mo mang humanap ng katuwang okay na sa
akin iyon bastat makakasundo ng mga bata, huwag mo akong alalahanin pa tungkol
sa bagay na iyan. I love you Mahal.
Nagmamahal,
Romy

eeeeh. ok. di ko alam sasabihin ko. naimagine ko lang yung hirap ng isang tao kapag nasa ganito kang kalagayan. haaaay
ReplyDelete