“Ma, pwedeng pasuyo pambiling ganito…ganyan…ganoon” ito ang
lagi kong hirit kay Mama pero habang tumatanda ako napansin ko na hindi lahat
pala ng hiningi ko o hiniling ko sa kanila, binibigay nila. Sa una syempre
natural lang siguro na maiinis ka, sabay maglolock sa room at kung tipong
gustong gusto mo ‘yung bagay na hinihingi mo kulang nalang isigaw mo na “gusto
ko nang mamatay, bakit unfair ang buhay, di ba nila ako kayang pagbigyan”.
Maniwala ka ginawa ko rin iyan, pero hindi tulad ng napapanood ko noon sa TV na
kapag umiyak ibibigay na, kasi sa bahay kahit isigaw mo pa lahat ng santo kung
hindi pwedeng ibigay hindi ibibigay at kahit ipangako ko pa na ako ang magtotop
1 wala pa rin. Dito na pumapasok ang ginintuang aral ni Inay na hanggang ngayon
tinuturing ko pa ring ginto….“Nak, May mga hindi mo kailangan na gusto mo at
may mga hindi mo gusto pero kailangan mo.”
Hanggang ngayon ganyan pa rin ang patakaran sa bahay kaya
naman masasabi ko na kahit ang daming hindi naibigay sa akin noong bata ako
sulit na sulit ang pagpapalaki nila sa akin. Ngayon naiintindihan ko na ang
lahat at kung magkakasupling man ako balang araw ito rin ang ipapairal ko sa
kanila.

isn't this one of mankind's most bitter struggles?
ReplyDeletetama nga naman si inay.. sa pagtanda mo at meron ka ng trabaho baka maintindihan mo rin sila.. tas pag may anak ka na ipamana mo rin ito sa kanila...
ReplyDeleteagree.yan din turo sakin ng nanay ko.
ReplyDeletemother knows best parin talaga =D
ReplyDelete